Wait there’s more!
Hindi na mapipigilan pa ang mga proyektong dumadating sa komedyanteng si Empoy Marquez.
Ito’y kasunod ng matagumpay na indie movie nila ni Alessandra de Rossi na ‘Kita Kita’.
Una dito ang proyekto niya na pinangunahan ni Dennis Padilla bilang direktor, ang ‘The Barker (Don’t Know What to Do)’, na ipapalabas na ngayong buwan.
Sumunod ang upcoming movie ni Empoy kasama ang bago niyang leading lady na si Ellen Adarna sa Star Cinema.
Sa isang interview noong Star Magic Ball, inanunsyo ni Empoy na bukod sa pelikula nila ni Ellen, mayroon pa siyang proyekto kasama si Zanjoe Marudo.
Thank you @manny.halasan para sa aking pananamit #starmagicball2017 #godisgoodallthetime
A post shared by Ok 9 (@empoy) on
Aniya, sobrang proud siya sa kaibigan na si Zanjoe matapos na ma-nominate ito sa 2017 International Emmy Awards.