Patuloy na umaani ng papuri ang komedyanteng si Empoy Marquez dahil sa peformance nito bilang leading man ni Alessandra de Rossi sa indie film na “Kita Kita.”
Kabilang sa mga pumuri sa kauna-unahang leading role sa pelikula ni Empoy ang mega-star na si Sharon Cuneta.
Ayon kay ate Shawi, “well deserved” ni Empoy ang papel bilang Tonyo, ang “boy next door” at love interest ni Alessandra o Lea sa naturang romantic-comedy film na obra ni Direk Sigrid Bernardo.
Napatunayan anya ni Empoy na kaya nitong makipagsabayan kay John Lloyd Cruz.
Pinuri rin ni Piolo Pascual, na producer ng pelikula at gaganap sanang Tonyo, ang performance ng komedyante.
By Drew Nacino