Aminado ang aktor comedian na si Empoy Marquez na marami ang nagbago sa buhay niya simula nang pumatok sa takilya ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na ‘Kita Kita’.
Ayon kay Empoy kung dati ay sakto langa natatanggap na pagmamahala mula sa mga tao ngayon aniya ay sobra-sobra ang kanyang nakukuhang pagpapahalaga at pagmamahal.
Hindi rin makapaniwala si Empoy na magtutuloy tuloy din ang mga biyaya at mga proyekto na kanyang natatanggap matapos ng tagumpay ng ‘Kita Kita’.
Pagdating naman sa mga kinikita ay tiniyak ni Empoy na nahahawakan niya ito ng tama at sa katunayan aniya ay nakapag-invest na siya ng isang negosyo.
Sa ngayon ay may bagong itinayong resto bar si Empoy na makikita sa Baliuag Bulacan at pinangalanan niya itong way back 90’s.
Nabanggit pa ng aktor na kapag nagkaroon pa siya ng pagkakataon ay palalaguin pa niya ito at magtatayo pa ng ibang branch.
—-