Handa ka na ba sa isang kakaibang Eggsploration?
Sagot ‘yan ng Enchanted Kingdom, ang nangungunang theme park sa bansa sa ikinakasa nitong exciting easter event sa April 9.
Tiniyak ni Rebecca Rufino, Marketing Department Head ng Enchanted Kingdom ang ika nga’y full blast fun activities sa nasabing easter event na kinabibilangan ng magic show, easter egg hunt, costume contest, arts and crafts, face painting kasama ang exciting prizes!
Tampok sa magic show ayon kay Rufino ang apat na talented magicians na handa na sa kanilang tricks and illusions samantalang ang easter egg hunt naman ang hahamon sa mga participants na hanapin ang itlog sa boulderville.
May katapat din aniyang premyo ang mapipiling best in costume at inaasahang mailalabas ng arts and crafts at face painting stations ang creativity ng mga participants.
Sinabi ni Rufino na magiging highlight ng easter event ng Enchanted Kingdom ang Easter Night of Praise na bukas sa lahat ng mga nais makiisa sa pag awit ng praise and worship songs sa midway grounds bago mag alas sais ng gabi.
Kaya naman ano pa ang hinihintay nyo?
Takbo na sa Enchanted Kingdom para ma enjoy ang mga naturang easter activities na limitado lamang sa 150 participants, 3 hanggang 12 taong gulang na makakatanggap din ng special easter loot bag.
Mabibili ng ticket sa halagang 1,500 pesos kasama na ang regular day pass samantalang ang EKMC members at guests na may ticket na ay uubrang bumili pa rin ng event access sa halagang 600 pesos.
Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa eggsploration at Enchanted kingdom, bisitahin ang www.enchantedkingdom.ph o i follow sila sa @enchantedkingdomph.
Sa Enchanted Kingdom .. The Magic Lives Forever!