Inamin na ng aktor na si Enchong Dee ang pagtatapos ng dalawang taon nilang relasyon ng model na si Samantha Lewis.
Ayon kay Enchong, bibihirang makahanap ng babaeng katulad ni Samantha ngunit mayroon aniya talagang pagkakataon na kailangan nilang magdesisyong wakasan na ang kanilang relasyon.
Hindi naman na idinetalye ni Enchong kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Gayunman, sinabi ni Enchong na sa kabila ng kanilang break-up ay nananatili naman silang magkaibigan ngayon.
Matatandaang March 2014 nang unang kumpirmahin ni Enchong ang relasyon nila ni Samantha.
By: Ralph Obina