Nasagip ng pinagsanib pwersa ng DENR at NBI ang 23 endangered na ibon sa isinagawang raid sa isang sari-sari store sa Cainta, Rizal.
Kabilang sa mga ito ang blue-naped parrot, umbrella cockatoo, Indonesian rainbow lory, african grey parrot, Indian ring-necked parakeet, African love bird, sun conure at Palawan hill myna.
Tatlong linggong isinailalim sa surveillance ang may-ari ng sari-sari store na si Ferdinand Domingo at ibinebenta ang mga ibon online.
Sasampahan si Domingo ng paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Isasailalim sa quarantine ang mga nakumpiskang ibon sa DENR Wildlife Rescue Center.
By Meann Tanbio