Naharang at nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang saku-sakong endangered seashell na lulan sa isang fishing vessel sa Olango Island sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ito bahagi ng joint operation ng Coast Guard, Navy, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Bureau of Customs.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga otoridad ng intelligence report na may isang kulay asul na bangkang pangisda ang umano’y may kargang imported na mantika mula sa Malaysia.
Nang inspeksyunin ang naturang bangka, bigong matagpuan ang mga mantika ngunit tumambad naman ang may isandaan at tatlumput walong sako ng seashells kung saan karamihan sa mga ito ay endangered at ipinagbabawal na hanguin.
By Ralph Obina