Ginugunita ngayong araw ang ika-16 na taunang Endangered Species Day o pag-alalala sa mga nanganganib na mga uri ng hayop sa bansa at gayon din sa mundo.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ito ay inaalala tuwing pangatlong Biyernes ng buwan ng Mayo bilang panawagan sa pagprotekta sa mga nanganganib nang maubos na mga hayop sa bansa.
Isinagawa ang programa ngayong taon via online at limitadong remote activities dahil na rin pandemyang COVID-19.
Samantala, kabilang sa tinawag na big five endangered species ng DENR ay ang Rafflesia speciosa, Visayan spotted deer, Visayan warty pig, Panay monitor lizard, at ang Walden’s hornbill.