Nakikita na ng Department of Health (DOH) na malapit na ang Pilipinas sa endemic ng COVID-19.
Ayon kay Health Officer-in- Charge Maria Rosario Vergeire na nakadepende ito sa dami ng sumusunod sa panawagang magpabakuna at magpabooster shot.
Ang pagkamit ng endemic sa bansa ay magdedepende sa kung paano makakalaban o sa immunity ng komunidad sa mga bagong variants na posibleng sumulpot o makapasok sa bansa.
Sa ngayon, nananatiling mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa.
Dahil dito, nagpaalala ang kagawaran na hindi dapat makampante ang publiko.