Malapit nang maabot ng bansa ang endemic stage ng COVID-19.
Ito ang sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante dahil sa pagbuti ng healthcare utilization rate at pagbaba ng COVID-19 infection sa kabila ng pagluluwag ng face mask restriction at kasalukuyang vaccination uptake.
Una nang ipinaliwang ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na ang endemic ay isang estado kung saan ang mga kaso ay stable, constant at predictable.
Nabatid na nakapagtala ang bansa ng karagdagag 1,554 na bagong kaso ng COVID-19 infection kahapon.
Nasa 73.3 million Pilipino naman ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 20.1 million ang nakatanggap na ng booster shot.