Pinaplantsa na ng TUCP o Trade Union Congress of the Philippines ang panukalang gawing krimen ang ‘endo’ end of contract o contractualization.
Ayon sa TUCP, isinusulong nila ang mas matinding penalty para sa mga kumpanyang nagpapatupad ng endo.
Pinag-aaralan na rin ng TUCP ang pag refile ng security of tenure bill na bigong makalusot sa nakalipas na Kongreso.
Nais ding tuldukan ng TUCP ang nakagawian na ng mga kumpanya na gumamit ng sub contractors o manpower agencies para mag-recruit ng contractual employees.
Pumapalo na sa 20 milyon ang contractual employees sa bansa o halos 40 porsyento ng kabuuang work force.
By Judith Larino