Naglaan ang NLRC o National Labor Relations Commission ng special lane para sa mga nagrereklamo ng kontraktwalisasyon.
Ayon kay NLRC Single Entry Approach Head Belen Nicasio, mayroon man silang itinalagang “endo lane”, hindi madali ang proseso dahil posibleng abutin ng taon ang kaso.
Sinabi ni Nicasio na kung hindi magkasundo ang manggagawa at employer sa mediation, aakyat na sa arbitration para ito’y dinggin.
Anuman aniya ang magiging desisyon sa arbitration, maaari pa itong iapela hanggang sa umabot sa Korte Suprema.
Sa mahigit limang libong (5,000) kasong inilapit sa NLRC sa pagpasok ng taong 2017, sampung porsyento rito ay tungkol sa kontraktwalisasyon.
By Meann Tanbio