Ikinalungkot ni incoming labor secretary Bienvenido Laguesma ang non-regularization ng contractual workers o mas kilala bilang “endo”
Ayon kay Laguesma, walang masama sa kontraktwal na trabaho lalo na kung ito ay project-based employment tulad ng construction work.
Pero “pang-aabuso” aniya ang hindi pag-renew ng kontrata sa trabaho dahil sa hindi magandang perfromance ng manggagawa pagkatapos ng probationary period na 6 months.
Sa ilalim aniya ng batas, ang mga empleyado ay dapat na abisuhan sa ikatlong buwan kaugnay sa status ng performance nito para may panahon pa upang ma-improve at ma-satisfy ang requirement ng employer.