Mariing itinanggi ng Iglesia ni Cristo (INC) na inendorso nila ang kandidatura ni vice presidential candidate, Senador Bongbong Marcos.
Ayon sa report ng “The Philippine Star”, kasalukuyan pang nagde-deliberate ang mga lider ng nasabing religious sector sa kung sino ang kanilang susuportahan sa May 9 elections.
Nauna nang inihayag ni Marcos na ipinaalam sa kanya ng INC nitong Martes na siya ang susuportahan sa pagka-bise presidente para sa darating na halalan.
Kilala ang INC sa block voting.
By Meann Tanbio