Naniniwala si Professor Ramon Casiple na maaaring makatulong ang Presidential endorsement para sa susunod na eleksyon.
Ayon kay Casiple, ito ay dahil maaaring mag-benepisyo ang kandidato mula sa makinarya ng administrasyon.
“Theoretically malaki kasi you’re talking of the government na resources na nagagamit, kung popular ang Presidente, that popularity will impact doon sa ine-endorse niya. Kung mababa ‘yung popularity ng President, it’s either na kiss of death ‘yan o di kaya’y walang impact, meaning ‘yung mga maniniwala sa kanya at sa endorso niya, ‘yun actually boboto naman talaga doon sa kanyang ini-endorso eh.”Ani Casiple.
Samantala, naniniwala naman si Casiple na magbibitiw na din sa pagka-DILG Secretary si Mar Roxas, matapos nitong tanggapin ang endorsement ng Pangulong Noynoy Aquino.
“Delicadeza na ‘yan eh, kaya nga si Chiz Escudero, I think resigned ni hindi pa nga siya nagsasabi kung tatakbo siya, and VP Binay also has to resign, magre-resign din si Secretary Mar Roxas, makikita din ‘yan ng mg advisers niya eh, awkward ‘yan, very awkward.” Paliwanag ni Casiple.
By Katrina Valle | Sapol Ni Jarius Bondoc