Kasado na umano ang pag-endorso ni US President Barack Obama sa kandidatura ni Democratic Frontrunner Hillary Clinton bilang standard bearer ng partido.
Ipinabatid ng White House na tatapusin lamang nila ang primary sa New Jersey at California bago opisyal na anunsyo sa nasabing endorsement.
Sinasabing open secret na sa Washington na mas pipiliin ni Obama si Clinton kaysa kay Senator Bernie Sanders bagamat wala naman umanong pakialam ang pangulo sa primary.
By Judith Larino
Photo Credit: AP