Kinansela na ng European Union o EU ang kanilang energy project sa Mindanao na nagkakahalaga ng 690 milyong piso.
Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, sinabihan na nila ang mga contractors na hindi na matutuloy ang proyekto.
Kasunod ito ng pormal na pagtanggi ng Duterte administration sa mahigit anim na milyong euros na ayuda sa Pilipinas.
Ibinalik ng Pilipinas ang Financial Agreements ng Trade-Related Technical Assistance na lalagdaan sana ng Pilipinas noong isang taon subalit ini-atras ito ng gobyerno.
Matatandaang maka-ilang beses ng sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU dahil sa mga kaakibat nitong kondisyon sa ipinamamahaging tulong sa Pilipinas.
—-