Naglabas ng energy safety tips ang Department of Energy (DOE) kasunod na rin nang inaasahang paghagupit ng Bagyong ‘Tisoy’ ngayong maghapon sa Metro Manila at mga kapalit na lalawigan.
Pinayuhan ng DOE ang publiko na tiyaking fully charged ang mga flashlights at spare batteries, iwasang gumamit ng kerosene fueled na lampara lalo na sa gabi dahil maaari itong pagmulan ng sunog, iwasan ang paghawak sa electrical appliances kapag basa ang kamay.
Sinabihan din ng DOE ang publiko na laging mag-ingat sa paggamit ng electrical appliances na malapit sa water sources at huwag gamitin ang mga appliances kapag nalubog na sa tubig baha at huwag lumapit sa power lines.
Matapos ang baha ay dapat anitong tiyaking gumagana ng maayos ang fuse bago ito buksan at huwag gamitn ang anumang de-kuryenteng appliances kapag nabasa na ito hanggat hindi nasusuri ng technician.