Bigo si Energy Secretary Alfonso Cusi na makalusot sa Commission on Appointments (CA).
Kasunod na rin ito ng mga kuwestyon ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa data sa barangay electrification.
Sinabi ni Lacson na itinanong niya ang usapin kay Cusi dahil ang professional background at experience nito ay may kaugnayan sa logistics at transportation industry.
Ipinabatid ni Cusi sa CA Committee on Energy na 100 porsyento nang may supply ng kuryente ang lahat ng barangay sa bansa bagamat hindi lahat ng household ay mayroong access sa kuryente.
Kinontra ito ni Lacson sa pagsasabing hindi pa maituturing na 100% na may supply na ng kuryente ang mga barangay kung may ilang sitio pa ang hindi naiilawan.
Sa isang bahagi pa ng confirmation hearing ay nagbanta si Lacson na iinvoke ang section 20 ng CA rules na nagbibigay sa sinumang miyembro ng komisyon ng kapangyarihang suspendihin ang kunsiderasyon ng isang appointment.
Dahil dito, muling pinababalik si Cusi para sa panibagong confirmation hearing.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)