Nadagdagan na naman ang bilang ng mga araw na walang pasok sa buong bansa makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enero 23 ng bawat taon bilang Special Non-Working Holiday.
Batay sa nilagdaang Republic Act 11014 ng Pangulo, ito’y para gunitain ng mga Pilipino ang pagtatatag sa kauna-unahang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan nuong taong 1899.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Department of Education (DepEd)para sa paglalatag ng mga aktibidad sa nasabing petsa.
Magugunitang pinangunahan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Malolos Congress sa Barasoain Church sa lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng panahon ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol.