Posibleng makaapekto sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at ng NPA o New People’s Army sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Government Peace Panel Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, bagama’t aminado siyang may epekto ang nasabing insidente subalit umaasa siyang hindi ito magiging mitsa upang tuluyang bumagsak ang negosasyon.
Gayunman, nangangamba si Bello na baka magbago muli ang isip ng Pangulo na muling ituloy ang usapang pangkapayapaan kahit pa minsan na niyang naulinigan sa Palasyo na bukas na muli ang Pangulo para sa pag-uusap.
Magugunitang isang rebelde ang nasawi habang isang sundalo at marami sa panig ng mga NPA ang sugatan sa nangyaring engkuwentro sa Batangas City.
—-