Epektibo kaagad ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo hahayaan naman ng gobyerno na makauwi pa sa kani-kanilang tahanan ang mga manggagawa.
Tiniyak ni Panelo na sapat ang magiging supply ng pagkain sa Luzon at bahala na ang Local Government Units (LGU) sa Metro Manila na pangasiwaan ang delivery ng mga pagkain sa mga tahanan.
Bukas naman aniya ang mga supermarket at palengke gayundin ang ATM bagamat sarado ang mga bangko.
Suspendido rin ang trabaho sa buong Luzon.
Sa ilalim ng enhanced community quarantine mahigpit na ipatutupad ang home quarantine.
Sinabi ni Panelo na walang galawan at walang transportasyon maliban lamang sa frontline health workers, otorisadong government officials, medical o humanitarian reasons gayundin ang transportasyon ng mga pangunahing serbisyon at pangangailangan.