Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced National Security Policy para sa 2017 hanggang 2022 na magsisilibing gabay sa mga ahensya ng gobyerno para sa kaligtasan at pagsusulong ng pambansang seguridad.
Sa ginanap na National Security Council meeting, tatlong mahalagang agenda ang tinalakay ng National Security Cluster kasama si PANGULONG DUTERTE.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kabilang dito ang pagsusulong ng usapang pang-kapayapaan sa komunistang grupo, issue ng West Philippine Sea at giyera kontra droga ng administrasyon.
Nais anya ng Pangulo na magkaroon ng malinaw na batayan sa muling pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista dahil patuloy ang pag-atake ng New People’s Army o NPA sa gobyerno sa kabila ng informal agreement na buksan muli ang peace process sa pagitan gobyerno at NDF-CPP.
Sa issue naman ng maritime dispute, sinabi ni Abella na naninindigan si Pangulong Duterte na ipaglaban ang karapatan sa Benham Rise na tila pinag-iinteresan din ng China.
Kaugnay naman sa war on drugs, hindi anya natitinang ang pangulo sa hangarin na linisin ang bansa sa iligal na droga sa tulong ng mga otoridad.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping