Isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang bayan ng Enrile sa Cagayan.
Inaprubahan ng Region 2 Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ni Enrile Mayor Miguel Decena, Jr. na maisailalim sa loob ng dalawang linggo ang bayan sa MECQ o mula kahapon, ika-7 ng Oktubre hanggang sa ika-21 ng Oktubre matapos sumirit ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito.
Sa pag-iral ng MECQ, mas mapapadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga mamamayang tinamaan ng COVID-19.
Mas mapapadali rin ang pagpapatupad ng health and safety protocols para hindi na lumala pa ang hawahan.
Ang bayan ng Enrile ay nakapagtala ng 50 kaso ng COVID-19.