Ipinanawagan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na ideklarang ‘Persona non grata’ ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Enrile, pinipilit ng ICC na siyasatin ang Pangulo ng Pilipinas kahit na pinapayagan naman ito ng konstitusyon na ipatupad ang mga umiiral na batas.
Giit ni Enrile, maaari lamang mapanagot sa batas ang nakaupong presidente sa pamamagitan ng impeachment process kaya’t hindi dapat manghimasok ang ICC.
Tila ginagamit din aniya ng international tribunal ang mga kritiko o detractors ng Pangulo para mapalawak ang kanilang “political agenda.”