Kinumpirma ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang muling pagsabak sa senatorial race sa 2019 midterm elections.
Paliwanag ni Enrile, nagpasiya siyang muling tumakbo sa pagka-senador para sumali sa debate hinggil sa mga mahahalagang usapin sa Senado.
Iginiit ni Enrile, hindi naman aniya physical power ang kailangan sa pagiging isang senador kundi brain power.
Marami aniya siyang nais ireview na batas kabilang ang Pederalismo, TRAIN 1, TRAIN 2 at expanded maternity leave.
Ngayong hapon naghain na ng COC o Certificate of Candidacy si Enrile sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty. Joseph Sagandoy.