Matapos magpakilig noong holiday season, muling pinasaya ng Kapamilya star na si Enrique Gil ang kanilang fans ni Liza Soberano.
Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Enrique ang kanilang sweet na larawan ni Liza kalakip ang kanyang nakakatalong puso na birthday message, kung saan tinawag niyang ‘my forever’ si Liza.
Ipinangako din ni Enrique na kanyang pasasayahin ang dalaga habang buhay.
Sa huli ng caption ni Enrique ay mababasa ang mga katagang ‘I love you’ na lalo pang nagpakilig sa fans ng LizQuen.
Samantala, sa IG stories naman ni Enrique ay nakita ang isang video na hinihipan ni Liza ang kanyang birthday cake, kalakip din nito ang caption kung saan tinawag na ‘baby’ ng aktor ang dalaga.
Ipinagdiwang ni Liza ang kanyang ika-20 na kaarawan nitong Huwebes, Enero 4.
Matatandaang noong isang taon ay kinumpirma ni Enrique na parang magkasintahan na ang kanilang turingan ni Liza ngunit nilinaw niya na hindi pa sila opisyal na mag-couple.
Binigyang – diin pa ng LizQuen na hinihintay pa rin nila ang basbas o blessing ng kanilang mga magulang.