Puno ng pagsisi ang Kapamilya actor na si Enrique Gil kasunod ng insidente sa eroplano kung saan nagwala at nambastos pa umano ng mga kapwa talent sa Star Magic.
Ayon kay Enrique, inaamin nyang napasobra ang kanyang nainom na alak na nagbunsod sa kanyang hindi magandang asal.
Humingi ng paumanhin ang aktor sa kanyang mga nasaktan at naapektuhan ng naturang insidente.
Umapela ito ng pang-unawa sa kanyang pagkakamali at nangakong magiging responsable na sa susunod upang hindi na ito muling mangyari.
Kasama ni Enrique na humarap sa publiko ay ang kanyang ka- love team na si Liza Soberano na nagpasalamat naman sa kanilang mga fans sa patuloy na pang suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanila sa gitna ng pagsubok na ito.
Una nang lumabas na nagka initan si Enrique at Luis Manzano nang idipensa ng huli ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola at maging ang kapareha nitong si Liza mula sa pambabastos umano ni Enrique na nangyari sa eroplano sa kanilang flight patungong London.
By Rianne Briones