Walang pakialam ang Kapamilya actor na si Enrique Gil kahit pa walang label ang kanilang relasyon ng kaparehang si Liza Soberano.
Ayon kay Enrique, handa siyang maghintay hanggang sa dumating ang panahon na officially ay matatawag na niyang girlfriend si Liza.
Aniya, ang mahalaga sa ngayon ay ang kasiyahan na kanyang nararamdaman kapag kasama ito at hindi aniya siya mapapagod na sabihin at iparamdam sa young actress na mahal niya ito.
Matatandaang sa mga naunang interviews ni Liza ay hindi rin naman nito itinatago kung gaano ka-ispesyal para sa kanya ang aktor.
By Rianne Briones / Race Perez
Photo Credit: Enrique Gil Instagram