Papalo na halos 9.2 milyong estudyante na nagpa-enroll para sa School Year 2022-2023.
Ito’y batay sa learning system ng Department of Education (Deped), umabot na sa 9,192,331 na kabuuang bilang ng enrollees nang magsimulang buksan ito nuong lunes.
sa naturang bilang, nasa 4.28 milyon dito ang mula sa elementary habang aabot sa 2.97 milyon ang mula sa junior highschool.
Aabot naman sa 1.34 milyon ang nagpa-enroll sa senior high school at 608,114 ay mula sa kindergarten.
nanguna ang Calabarzon sa mga rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mataas na enrollee turnout na sinundan naman ng Metro Manila.
Magpapatuloy ang enrollment para sa pampublikong paaralan hanggang 22 ng Agosto.