Kampante ang Malakanyang na hindi bababa ang bilang ng mga mag-enroll sa mga pampublikong paaralan ngayong school year dahil lamang sa mga aberyang naranasan ng mga ito sa remote learning.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, inaasahan ng Palasyo mula sa mga magulang na kahit may pandemya ay tuluy-tuloy pa rin ang edukasyon ng kanilang mga anak.
Kahapon ay nagsimula na ang enrollment ng mga estudyante sa mga public school.
Asahang remote enrollment pa rin ang isasagawa ng mga paaralan sa lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine alinsunod sa ordinansa ng DepEd. —sa panulat ni Drew Nacino