Nangangalahati na ang Department of Education (DepEd) sa target nilang enrolees para sa school year 2020-2021.
Batay sa datos ng DepEd, mahigit sa 13-milyon na ang nakapag enroll mula nang simula ito nuong Hunyo 1.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, katumbas ito ng 49.52% ng target nila na mahigit sa 27-milyong enrollees.
Kumpyansa si Briones na dadami ang enrollees matapos na umusad na ang paggamit ng drop boxes sa enrollment sa mga lugar na walang internet connections.