Nasa 8.5 milyong mag-aaral na sa bansa ang nakapag-enroll para sa school year 2021-2022.
Sa inilabas na datos ng DepEd , nasa kabuuang bilang ng mga enrollees sa basic formal education sa publiko at pribadong eskwelahan sa buong bansa ay umabot na sa 8,557,205.
Naitala sa Region 4-A o Calabarzon ang pinakamataas na bilang ng mga enrollees na may 1,430, 535, na sinundan ng region 3 o Central Luzon na may 829,624 at National Capital Region na may 815,857.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, nagkakaroon ng pagbagal sa reporting ng enrollment data dahil may ibang paaralan na kinukuha muna ang enrollment forms.
Samantala, nagsimula ang enrollment sa bansa noong 16 ng Agosto na magtatapos sa 13 ng Setyembre na siyang unang araw ng klase sa bansa.