Malaki ang nabawas sa mga enrollees ng alternative learning system (ALS) ngayong pasukan dahil sa epekto pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) .
Sa pagdinig ng House Committee on Sustainable Development ipinabatid ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na nasa 48. 2 % o halos kalahati ang nabawas sa mahigit 700,000 enrollees nuong 2019 o nasa mahigit 350,000 enrollees na lamang ngayong pasukan.
Sinabi ni Malaluan na limitado ang kapasidad at galaw ng mga guro ng ALS ngayong COVID-19 pandemic kaya’t hirap din sila sa pagpapatupad ng remote o distance learning kumpara sa formal schooling.
Hindi aniya tulad ng formal learning kung saan kada baytang ang pagsulong ng isang mag-aaral sa ALS ay oras na matapos ang buong programa diretso na sa equivalency test ang mga estudyante rito.
Dahil sa limitasyon inihayag ni Malaluan na hindi muna maipapatupad ngayong may pandemic ang senior high school equivalency sa ALS kung saan nakapaloob ang skills training subalit hindi naman uubra ang workshop based skills training para rito dahil sa kawalan ng face to face classes.