Hindi kinakailangang magtungo sa paaralan ang mga magulang para i-enroll ang kanilang mga anak.
Ito ang naging paalala ng Department of Education (DepEd) kasabay ng pagsisimula ng remote enrollment ngayong araw.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, mula ngayong araw hanggang Hunyo 15, isasagawa ang enrollment sa pamamagitan ng internet, text message o tawag sa telepono.
Sinabi ni San Antonio, makikipag-ugnayan ang mga guro sa mga mag-aaral na kabilang na sa listahan ng DepEd habang magkakaroon ng anunsiyo ang kagawaran para naman sa mga wala sa talaan.
Dagdag ni San Antonio, kung kinakailangan naman aniyang magtungo sa paaralan ng mga magulang, papayagan lamang ito mula Hunyo 16.
Magtatakda rin ng petsa ang mga school administrator’s para sa pagpunta sa eskuwelahan ng mga magulang upang kunin ang mga school materials.