Magpapatupad pa rin ng remote enrollment system ang Department of Education (DepEd) para sa school year 2021-2022 bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Education Usec. Jesus Mateo kasunod ng kanilang mungkahing simulan sa Agosto 16 ang enrollment ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Matatandaang inanunsyo ng kagawaran ang pagbubukas ng klase para sa bagong school year na magsisimula sa Setyembre 13 sa ilalim ng enhanced blended learning.
Una nang nakapagsagawa ng early registration ang DepEd nitong Marso hanggang mayo kung saan, nasa 4.5 milyong mag-aaral sa kinder, grade 1, 7 at 11 ang naiparehistro.