Ilalarga na ng Department of Education (DEPED) sa Agosto 16 ang enrollment period ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan para sa school year 2021-2022.
Magtatagal lamang ang enrollment hanggang Setyembre 13 kasabay ng unang araw ng klase sa public schools.
Ayon sa DEPED, ang first academic quarter ngayong school year 2021-2022 ay magsisimula ng Setyembre 13 hanggang Nobyembre 12, 2021 habang ang second academic quarter ay aarangkada sa Nobyembre 15, 2021 hanggang Enero 28, 2022.
Itinakda naman ng kagawaran ang Christmas break sa Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 2, 2022.
Sa Enero 3 ay magpapatuloy ang klase pero magkakaroon ng mid-year break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5 habang magtatapos ang school year sa Hunyo 24.
Samantala, ipinauubaya na ng DEPED sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda ng sarili nilang school calendar. —sa panulat ni Drew Nacino