Pinalawig pa ng Department of Education (DepEd) ang enrollment period para sa school year 2021-2022.
Ito’y ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan ay alinsunod na rin sa inilabas na kautusan ni Sec. Leonor Briones.
Bagama’t hanggang ngayong araw na lamang dapat ang enrollment para sa taong ito, sinabi ni Malaluan na layon ng kautusan na maihabol ang mga kabataang nagnanais pang mag-aral sa gitna ng pandemiya.
Dagdag pa ni Malaluan, marami silang natutunan sa pagpapatupad ng distance learning noong isang taon kaya’t asahan na marami silang ipinatupad na pagbabago.
“Yung directive ni Secretary na i-maximize yuong other modalities para mabawasan yung dependents natin sa printed modules yan ang mga pagbabagong makikita natin ngayong taong ito,” pahayag ni DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan sa panayam ng DWIZ.