Pinalawig pa ng Malakanyang ang panahon para sa pagpapatala ng mga estudyante sa darating na school year 2020-2021, hanggang Hulyo 15.
Ngayong araw, Hunyo 30, nakatakda sanang magtapos isang buwang enrollment period ng mga estudyante.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakapagtala lamang kasi ng mahigit 6,072 enrollees sa mga private schools.
Kasabay nito, nanawagan si Roque sa mga magulang na huwag nang hintayin pa ang panibgong deadline na Hulyo 15 para iparehistro o i-enroll ang kanilang mga anak.
Binigyang diin ng kalihim, hindi dapat mapabayang matigil ang proseso ng edukasyon ng mga kabataan sa kabila ng nararanasang pandemiya sa COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng deped, umaabot na sa mahigit 15.6-M mga estudyante na ang nakapag-enrol sa mga paaralan.
Kulang pa anila ito ng mahigit labing dalawangmilyon mula sa inaasahang 27-M mga mag-aaral na magpapatala para sa school year 2020-2021. —ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)