Aarangkada na bukas, Agosto 16, ang enrollment ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2021-2022.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang pagpapatala ay hindi katulad ng tradisyunal na pagpapa-enroll ng mga estudyante kung saan ang mga magulang at mga estudyante ay nagtutungo pa nang personal sa mga eskuwelahan.
Sa ilalim ng bagong enrollment scheme, ang mga dating adviser ng mga bata o paaralan ang mismong kokontak sa mga magulang ng kanilang dating estudyante para maitala ang mga ito, partikular ang mga nakatira sa lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ.
Maliban dito, maaari rin umanong magpatupad ng drop box enrollment kung saan papayagang ilagay o ihulog na lamang ang enrollment forms sa drop box o booth sa gate ng paraalan.
Iminungkahi rin ng DepEd na dapat ang mga bakunadong guro o non-teaching personnel ang mangunguna sa enrollment ngayong taon.