Pinaalala sa publiko ng Department of Education (DEPED) na hanggang Agosto a-22 na lamang ang enrollment para sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay DEPED Spokesperson Michael Poa, sa ngayon ay wala pang nakikitang pangangailangan upang magpatupad ng extension ang kanilang departamento.
Mababatid na magsisimula sa nasabing petsa ang unang araw ng pasukan para sa school year 2022-2023.
Batay sa datos ng ahensya, umabot na sa 21,272,820 mag-aaral na ang nakapag-enroll para sa darating na pasukan mula sa target ng DEPED na 28.6 million.
Samantala, sa naturang bilang, 18.7 million ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2.4 million naman ang nag-enroll sa mga pribadong eskwelahan.