Mahigpit ang pag-iingat ng Gilas Pilipinas sa kanilang Monday only practice para maiwasan ang hindi inaasahang injuries habang papalapit ang Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.
Ito ayon kay Gilas Deputy Jong Uichico ang dahilan kayat hindi na gaanong babad sa ensayo ang national team.
Ipinabatid ni Uichico na ang hour long session rin kagabi ang huli nilang training bago magsimula ang PBA Commissioners Cup sa susunod na linggo.
Nagre-review na lamang anila sila ng kanilang swing offense para kapag makabalik na si coach Tab Baldwin ay diretso na aniya sila sa mas nitty gritty na mga bagay.
Magugunitang maaga nitong natapos ang training ng Gilas noong nakalipas na linggo dahil sa kakaunti lamang ang nakadalo sa mga players nito.
By Judith Larino