Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na maaari nang makapasok ang mga nais bumisita sa bagong Manila Zoological and botanical Garden nang libre sa buong buwan ng Enero ngayon taon.
Ayon kay Moreno, hiniling niya kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at sa mga konsehal na gawing libre ang entrance fee habang pinaplano pa ng konseho ng lungsod ang ordinansa na mag-uutos sa presyo ng tiket para sa zoo.
Binigyang-diin ng alkalde kung paano niya gustong maging abot-kaya ang presyo ng entrance fee ng zoo para sa mahihirap na pamilya.
Matatandaang iminungkahi ng mga konsehal ng Maynila ang bayarin na nagkakahalaga ng P100 para sa mga residente ng lungsod at P200 naman para sa mga bisitang naninirahan sa labas ng lungsod.—sa panulat ni Khime Gomez