Bantay sarado na sa mga otoridad ang lahat ng entry at exit points ang national capital region (NCR).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) deputy director for operations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ito’y batay na rin sa inilabas na guidelines kaugnay sa implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Considered na contained area itong Metro Manila so we are restricting the exit or the entry of the people dito sa loob ng ating rehiyon. At the same time, atin ring pine-prevent yung non-essential exit, itong mga taong nasa loob na (ng NCR), na lalabas pa,” ani PNP deputy director for operations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa panayam ng DWIZ.
Dagdag ni Eleazar, kasabay nito patuloy ang kanilang monitoring sa takbo ng operasyon ng lahat ng nakakalat na check point kasabay ng implementasyon ng community quarantine sa rehiyon.
Giit ni Eleazar, tiyak na magiging epektibo ang direktiba kapag isandaang porsyento ang naging kooperasyon ng publiko.