Nagbigay ng pahiwatig ang TV host actress na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account na posibleng matuloy na ang kanyang paggawa ng Metro Manila Film Festival entry na All You Need Is Pag-Ibig.
Ito nga ay matapos niyang ianunsyo kamakailan na nag-backout na siya bunsod ng ilang isyu sa personalat trabaho.
Sa pinakahuling social media post ni Kris, nagkaroon ito ng presentation kasama ang writer ng pelikula.
Ngunit ayon sa Queen of All Media ay iba na ang magiging cast at posibleng hindi na makakasama ang dating kasintahang si Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Hindi pa umano siya handa emotionally para makatrabaho si Bautista matapos ang kanilang short-lived romance.
By Arianne Palma