Welcome sa grupong Ecowaste Coalition ang pagbabalik ng natitirang mahigit 5,000 toneladang basura mula sa South Korea na nadiskubre sa Mindanao Container Terminal noon pang 2018.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, nararapat lang ito alinsunod sa basel convention kung saan parehong parties ang Pilipinas at South Korea.
Sa bisa ng kasunduan, ni-reregulate ang movement ng hazardous waste sa mga bansa partikular upang maiwasan ang paglipat ng basura mula developed countries patungong developing o less developed countries.
Nitong Linggo, nagpulong ang mga kinatawan ng Pilipinas at South Korea upang ma-plantsa ang pagbabalik ng basura, bagay na ayon kay Lucero ay dapat pangatawanan ng dalawang bansa.
Enero nang maibalik sa South Korea ang isang batch ng basura.
Nahaharap naman sa mga kasong paglabag sa Toxic and Hazardous Waste Acy at Customs Modernization and Tariff Act ang Verde Soko na importer ng mga basura mula South Korea.