Iginiit ng Pilipinas ang kaparatan nito sa kalikasan at pangisdaan sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Ito ang naging argumento ng Pilipinas bago magsara ang ikalawang araw ng pagdinig ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands
Ayon kay Deputy Presidential spokespErson Abegail Valte, inilahad ng mga Amerikanong abogado ng Pilipinas ang argumento sa kung gaano kalakas ang claim ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo at kung bakit ito dapat panghimasukan ng korte.
Ipinaliwanag din sa pagdinig na hindi naaayon sa itinatadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang ipinatutupad na 9-dash line claim ng China na siyang umaangkin sa mga isla at bahurang sakop ng Pilipinas sa ilalim ng exclusive economic zone nito.
By Jaymark Dagala