Pinaghahandaan na ng mga environmental at health leaders ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 25 na gaganapin sa Batasang Pambansa.
Tiwala ang Ecowaste Coalition na mababanggit ng pangulo ang pagtugon at pagresolba ng pamahalaan sa lumalalang problema ng solid waste maging ang Economic Recovery ng Pilipinas.
Bukod pa dito, inaasahan din na magkakaroon ng solusyon sa climate action and justice, zero waste, food security, pag-veto sa Vape Bill, mga usapin sa human at ecological health.