Hindi kuntento ang ilang environmental group sa kampanya kontra illegal mining sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mining company na sumisira sa kalikasan.
Ayon sa Greenpeace, bagaman may malakas na “political will” ang gobyerno upang sugpuin ang illegal mining, balewala naman ito kung walang malinaw na plano.
Dapat anilang maglatag ng “long-term solution” ang pamahalaan upang matugunan ang hinaing ng mga apektado ng illegal mining partikular ang mga katutubo.
Ipinunto ng Greenpeace na bagaman isa ang Pilipinas sa mga bansang mayaman sa mineral, hindi naman masyadong napakikinabangan ang kita mula sa pagmimina.
Samantala, nangangamba naman ang grupong Kalikasan sa posibleng pagbubukas muli ng 24 mula sa 28 minahang ipinasara ni dating Environment Secretary Gina Lopez.
—-