Dapat na maging prayoridad ng susunod na mga mamumuno sa bansa ang environmental issues.
Ito ang inihayag ni Earth Hour Philippines National Director Angela Ibay sa ginanap na Virtual Roundtable Discussion kaugnay sa World Wide Fund for Nature-Philippines’ Shape Our Future: The Countdown to Earth Hour 2022.
Giit ni Ibay, kailangang tutukan ng susunod na administrasyon ang implementasyon ng green recovery plans, sustainability, at ang pagpapalakas ng local indigenous production.
Samantala sinabi naman ni Green Thumb Coalition Convenor Jaybee Garganera, na mayroon silang inilunsad na scorecard para malaman kung sino sa mga kandidato ang seryoso at tunay na magsusulong ng mga proyekto para sa kalikasan o “green” agenda.
Mahalaga aniyang malaman kung ano ang mga plataporma ng mga kumakandidato pagdating sa mga isyu ng energy, waste management, forestry, sustainable agriculture, water, human rights, at sustainable development.